Sunday, August 29, 2010

The Temperance Song Composition!

Ang buhay kung minsa'y sadyang malupit
Problema't pagsubok ay kay sakit.
Mga umaga'y minsa'y nandidilim,
Kailan pa kaya matatapos ang lagim?
Ngunit ang lahat ng ito'y mapapawi
Kung lahat ay magkakaisa!

Chorus:(*)
Kabataan maghawak kamay!
Madre Candida ating kaalalay
Lahat tayo'y magtulungan
Magkaisa para sa'ting bayan!

Ang mundong ito'y talagang magulo,
Batuhan,awayan at mga pagtatalo
Ngunit wag nating limuting maging kapatid sa'ting kapwa(*)

Bridge:
Magsama-sama,magmahalan,magpatawad magbigayan
Kapit bisig tayo patungo sa kinabukasan!

Kabataan maghawak kamay
Madre Candida ating kaalalay
Lahat tayo'y magtulungan
Magkaisa para sa'ting bayan!
Walang maiiwan,walang mauuna
magsabay-sabay walang mag-iisa

Kabataan maghawak kamay
Madre Candida ating kaalalay!